Monday, November 30, 2009

Gulugod ni Suzy & Anilao Trip with Ateng Kuto ng Philpan

MT. GULUGOD-BABOY
Anilao, Mabini, Batangas
Jump-off point: Philpan Dive Resort, Anilao, Mabini
LLA: 13°42'55"N; 120°53'43"E; 525 MASL
Days required / Hours to summit: Half-day / 1-2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2
byPinoyMountaineer

Participants:
Girls: Suzy, Aileen, Badz, Kristin, Angel, Anna, Maane
Boys: Gido, Bubuy, Arjel, Godfrey, Carlo, Bart, Mao
Sumunod sa beach: Aiza, Jill, Mai, Reuel

Ang Main Story? -- Si Ate (matabang kulot,nagyoyosi-yosi na naninigaw at bastos) sa Philpan Resort (Jumpoff area ng Gulugod Baboy) nagalit nung nanghihingi kami ng resibo sa mga sinisingil niyang 60/head na ligo, 50/head na overnight stay sa kubo - 35 pag shortime, 10/head na climb fee -- Every climb na pinuntahan namen may resibo kahit ultimo 5piso. So ate beware at isusuplong ka namen -- derecho sa bulsa mo ang bayad ng tao dyan. Mabuti na lang at happy peeps kami - we still enjoyed the trip kahit ikaw ang badtrip.

Prayers before the Climb to Gulugod ni Suzymeeting new friends
after logging @ Philpan Resort
cemented pathway up to Gulugod
Our Official host on her own Gulugod
Suzy & Anna taking a 5 min break
atlast chubby cheeks ,,, late kasihinahabol niya dito si Mao paakyat
Bullfrog sabi nang ang mga damo si Maane ang bubunot
Chubby 1, 2, 3
first time trekkers with Dolphins - sa uulitin Anna & Suzy
take 5 ulit nearing the top
you can see a lot of bench on the way to Gulugod baboy. Easy Climb talaga
taken by Mao Antonio (Sumbrero island)
we can see horse/cow's feces all over .. we are nearing the top of Gulugod
our photographer & Cliff Jumper Mao Antonio :)
waiting for Maane
The Rice ,, aha kayo palang 3 nagluto niyan a
boys bonding - saing, luto ulam, shot
sabi bang magsama-sama ang mga chubby? hihihi hindi tuloy kasya sa tent
since High School .. sa next climb ulit :)
all girls friendship
party people
Mao the Cliff Jumper and Godo
lasing na El Presedente
Mao: anu gagawain ko .. anu!? anu!? anu!? anu!?
makati talaga humiga sa Gabihan Mao
kakagulo na after ng Cliff Jumping event
best Poll Question ever .. . sino nga ba ang mas maliwanag?!
Our Crib.. tahimik na ang lahat.. lights out
Thank you Arjel for packing our Kitchen
badz ready ka nanaman agad?!
boyband nga hihihi
Team Pic @ Gulugod Baboy este ni Suzy
all Girls pic @ the campsite
ung view ang target dito
for some reason - she really thought they we're just close to her
regulars of the Gulugod baboy .. Horse's Shit
on our way to Sepoc (public area) via Philpan
we're 18 here
beach beach beach
mai aiza and suzy
sure to - excited na lahat sa dagat
night session @ Sepoc(public area) all girls syempre
ang aming boys sa gigilid :)
star-gazing @ Sepoc island
Lasing na si kupz manghuhula Badz Masahista
tambay magdamag .. thank God at ang ganda ng buwan
kwentuhan overnight ito parang walang gusto matulog

sabi nang walang solo pic kayo e hehehe
team pic @ the beach
we stayed 5-6 hours sa dagat nakalublob lang kwentuhan - kaya walang pic masyado sa island
The Team hopes that everyone enjoyed this Trip. next time ulit
going home @ Philpan
manong Carlo - san amo mo? :p
mga pasahero hehehe
nag-arkila na kami - -
photo-opp habang ang kulot na yosi ever na chubby na assign sa Philpan ay hindi makapagproduce ng resibo sa mga sinisingil niya..AMPFT ... 'Teh walang masama manghingi ng resibo lalo na kung derecho sa bulsa mo at bastos ka pa kausap.

18 comments:

  1. ah, kayo pala yung mga mapag panggap na mountaineers na nakasabay namin sa taas. na kung pano nyo laitin si ate sa reg area e mas malala pa kayo sa kanya sa ingay ng mga bunganga nyo sa itaas ng bundok. isa kayo sa mga nakakasira ng kalikasan. sa lahat ng umakyat sa gulugod ay kayo lang puro reklamo sa bayad. kung naging maayos ang pakikitungo nyo kay ate, ay maayos din nya kayong pakikitunguhan. sana lang ay respetuhin nyo ang ibang tao sa itaas ng bundok. hindi yung wala kayong pakialam. mga nagpapanggap lang naman kayo ng mountaineer. san lang alamin nyo yung "leave no trace ethics." siguro naman mga nakapag aral kayo. kawawa yung mga makakasabay nyo sa bundok na kaya nga umakyat ay para makapag relax at makaiwas sa ingay ng lungsod tapos pagdating sa itaas ay kayo ang aabutan. mahiya naman kayo sa balat nyo! makakarating ang insedenteng ito sa lahat ng mga mountaineer. hindi nyo masisisi si ate. sumusunod lang sya sa sistema. kayo ang dayo sa lugar nila kaya kayo ang makisama sa patakaran nila. hindi nila kayo pinilit magpunta dun kaya sumunod kayo sa sistema. nakakahiya kayo sa komunidad ng mountaineering. tapos sasabihin nyo mountaineer kayo? susubaybayan ko ang mga aktibidades nyo. nakaka-alarma ang mga maling gawain nyo.

    ReplyDelete
  2. alam mo alamin mo muna ang storya bago ka magcomment ng kung anu anu....kung matapang ka talaga bakit anonymous ka?...nde yang ganyang akala mo kung sino ka makapagsalita...nde namen xa nilait...at kung ssbhn mo kung nakapagaral ba kame e sino kaya satin ang mukhang nde nakapagaral?...judging us without hearing the full story....sino kaya ang mukhang walang pinagaralan?...kung anu man ang trip namen na gawin as long as wala kame nahaharm na tao o kalikasan wala ka na dun...kasi for me gnwa naman namen yung part namen at nde namen ugali magiwan ng kalat....hmmm siguro ang mali namen e naiwan ka namen dun...isang malaking kalat ang bibig na walang magandang masbe kung nde mang judge ng tao....magisip ka muna bago kung anu anu ang snsbe mo...- aiza

    ReplyDelete
  3. Thank you for leaving your comment.
    Hindi kami mapagpanggap - Naglalahad lang kami ng kung anu ang naranasan namen. Gaya mo nakaakyat na din kami sa kung san pa na lugar at gaya nga ng sabi mo patakaran na ang magbayad. Lahat un ay aming ginawa - at ginagawa. Gaya ng ibang bayarin sa lahat ng naakyat kahit sa mga daytrek lang may resibo sa baranggay ang bawat labas ng pera at ito ay direktang nakatala sa mga datus ng bawat baranggay hindi deretso sa bulsa ng kung sino man. - kung ikinakagalit mo ang aming paghingi ng resibo - maari mo itong tignan muli sa DTI website. Walang masama sa hiningi ng grupo namen.

    Kung maari lamang na magpakilala ka - para sa taong nakapag-aral na katulad mo maaring alam mo din na dapat may kalakip na pangalan ang mga ganitong komento, hindi pulos pagbabanta.

    Kung naingayan ka sa aming grupo - inihihingi ito ng patawad sa sampu ng iyong mga kasama. Gaya ng dati ang anu mang basura ay iniligpit at ibinaba ng aming grupo.

    Igininagalang ko ang iyong komento at kung sakaling nakasabay ka nga namen sa itaas - lahat naman ng nakasalubong namen at nakasabay ay malugod nameng binati at nakausap - nakapagtataka na sa estado mo nagtago ka sa ganitong paraan lamang. Mas mabuti sana kung kami ay iyong nilapitan at kinausap. Tutal susubaybayan mo kami :) see yah on our next trip.

    ReplyDelete
  4. haha well said aileen:) ganyan talaga ang nde nkapagaral db?:P nde takot humarap sa mga binitawang salita...di tulad mo anonymous? haha...

    ReplyDelete
  5. pra sayo Anonymous... na mukhang nde nakakaunawa at nakakaalam ng karapatan ng bawat pilipino. Para malaman mu na maraming irregularidad ang nangyayari sa lugar at kung bubuksan mu ang iyong mata para makapagmasid ay makikita mu ang mga pang-aabuso, pagsasamantala na nagagawa ng ating kapwa pilipino pero kung ikaw ksama ang iyong grupo ay sanay na ganitong actibidades ang masasabi ko lang e isa kau sa mga bulag, pipi at binge ng lipunan(salot ba) dahil pinagtatakpan nyo ang mga kurakot at mga katiwalian ng mga tao. Dahil sa nasasaad sa iyong kumento mukhang bibig mu lang ang iyong binuksan..Isang halimbawa Sana nakita mu ang pagpapasara nila sa bulwagan ng brgy(brgy hall) na ayon sa ating batas ay bawal isara dahil para sa sambayanan pilipino iyon at mukhang ikaw kasama ng iyong grupo ay nde pa nakakanas mag bayad ng buwis nde nyo papansinin ang bagay na iyon dahil nga bulag, pipi at binge kau sa iyong karapatan. at kung dumayo man kami ng ibang lugar ang karapatan pang tao namin sa luzon e malabong mag-iba kng kami ay pupunta o dadayo sa visayas at mindanao.. Pwede tau magharap at sana magpakilala ka kasama ng iyong grupo. at kung susubaybayan mu kami cguradong maiingit ka lang kc lagi kaming masaya at maraming pagkain cguro kayo 7pm lights off na alam mu ba ung socials?!! hehehe kawawa... maraming salamat sa iyong pagtankilik.

    ReplyDelete
  6. hmmm can't wait sa reply nung ating masugid na taga subaybay haha:P

    ReplyDelete
  7. malapit na ang pasko,wag na tyong magaway away..sna magkitakita kyo at maayos ang lahat.di tyo pababayaan ni BRO... :-)

    ReplyDelete
  8. Isang mapagpalang hapon sa iyo magiting na anonymous! kinagagalak ko ang iyong pag-oobserba sa aming grupo. Ang iyong mga puna at pahayag na laban sa amin ay palatandaan ng isang taong "mal educado" lalo na ng idawit mo ang kalakhang kumonidad ng mountaineer ng ipahayag mong "nakaka-alarma ang aming mga gawain" ng walang patunay ay nagpapatunay lamang na ikaw ay mahigit kumulang walang pinag-aralan. Kung sa tingin mo ay masisira mo kami sa kumonidad ng mountaineer sapagkat siguro marahil ay ikaw e kilala at maaring may malaking kuneksyon sa kanila, ay hinahamon kita na magpakilala sa amin sampo ng iyong grupo. Hindi ko nakikitang ikaw ay matapang o duwag sapagkat alin man sa nabanggit ay wala ka dahil para sa akin ikaw ay isang traydor. Bakit hindi ka magpakilala sa amin upang malaman naman namin kung sino ang magiting naming tagasubay-bay? Sapagkat ikaw ay isang dakilang traydor hindi mo ito gagawin. Ipagpatuloy mo ang iyong pagsubaybay sa amin, kilalanin mo kami ng lubusan upang ikaw mismo ang makakapagpatuyan na ang lahat ng iyong naging pahayag at pasaring ay mali. Hindi na namin kailangan pang isa-isahin sa iyo ang aming mga nagawang kabutihan para sa ating kapwa at sa kalikasan, ikaw na ang bahalang tumuklas sa mga ito at sakaling mpansin mo na ikaw ay mali, ipagbigay-alam mo din sa amin.

    ReplyDelete
  9. magandang hapon po!
    ako po si shane ng quezon city. isa po ako sa nakasabay nyo sa gulugod baboy that time. wag nyo po sanang masamain pero napansin ko na maingay nga kayo simula ng dumating kayo hanggang sa magbukang liwayway. kayo po ay iniilawan na ng kasama ko pero tuloy pa rin ang pag-iingay nyo. nadaanan ko rin sa akin pag-iikot sa campsite ang kalat na iniwanan nyo gaya ng kanin at mga tissue. kung aking pong babalikan ang aking BMC, ito po ay labag sa "leave no trace ethics". kung inyo pong susumahin ay marami po kayong ginagawang mali sa pag akyat nyo sa bundok. nauunawaan po namin kayo sa kasayahang ginagawa nyo sa itaas pero sana rin ay unawain nyo kaming umaakyat para maibsan ang aming stress sa trabaho at makahanap ng tahimik na lugar para makapagpahinga. nakausap ko rin si ate pagbaba namin ng philpan. wala naman akong nakikitang mali sa mga bayarin. yun ang patakaran nila at wala po tayong magagawa doon. yun lang at maraming salamat po!

    ReplyDelete
  10. Hi Shane! Nice meeting you. Ako ay humihingi ng paumanhin kung kami ay naging maingay. Salamat sa iyong pagsita sa aming naging asal sa taas dahil sa kaingayan. Subalit sa iyong nabanggit tungkol sa aming iniwang kalat sa taas, ang iniwan naming kanin ay biodegradable kaya eto ay hindi makakasamasa sa kalikasan pero paumanhin pa din. Kung me mga naiwan na tissue ay hindi namin napansin na meron pa kaming nakaligtaang ligpitin, kaya paumanhin sa puntong iyon.Sa lahat ng mga ginagawa namin na lakad ay hindi kami nagiiwan ng kung ano mang kalat dahil alam naman namin ang mga bawal dahil kami ay nagdaan din sa BMC. Ang tungkol naman sa mga bayarin, tama ka at wala tayong mgagawa sa mga patakaran at alituntunin ng isang lugar ukol sa mga kailangan bayaran ng mga taong dayuhan sa kanilang lugar. Subalit naikwento at nailahad ni ate ang kabuuang pangyayari? Kami ay nakahandang magbayad ng kahit ano pang halaga ang kanyang sinisingil pero nung humihingi na kami ng resibo ay bigla na lang niya kami bubulyawan at siya ay umalis, pag balik niya ang kanyang wika ay nasa baba daw ang resibo kaya tugon namin ay sige po aantayin namin. Pero ni anino ng resibo ay wala kami nasilayan. Kung kami ay pinakitunguhan niya ng maayos wala magiging problema. Maraming salamant talaga sa iyong komento pero gusto ko din lang ipunto maari naman tayong magkausap ng matino ng hindi gumagamit ng mga masasakit na salita. Kami ay lahat nakapag tapos ng iba’t ibang kurso sa kolehiyo; lahat din kami ay nagtratrabaho sa iba’t ibang kumpanya . Hindi siguro aabot sa mahabang usapin kung tayo ay naging makatao at hindi nanghusga ng hindi nadidinig ang panig ng kabila. Ang aming grupo ay higit sa isang dekada na magkakasama at iba lang siguro ang ating depinisyon ng aming pangtanggal pagod sa aming mga naiwang trabaho at problema sa kabihasnan. Salamat ulit!

    ReplyDelete
  11. tulad nyan hindi lahat ng nasa litrato ay kasama umakyat ng bundok pero nilahat mo ang panghuhusga...nde ka man lang marunong gumamit ng maayos na salita. alam mo kung nakakapanuod ka ng telebisyon ay naaalala ko na naglabas ang pamahalaan na naghihikayat sa mga tao na manghingi ng resibo. isa itong patunay na wala kameng nilabag na batas sa kahit anong angulo, kaya hanggat maari bago magsalita e alamin muna. wag magpadalos dalos sa kumento dahil nde lahat ng akala e tama...nakinig ka man dun sa ale na ngbabantay ng cr e inalam mo ba muna yung sa side namen?...itinuro rin sa paaralan na alamin muna ang bagay bagay bago humusga...baka absent ka lage at nde mo napakinggan un...un lang.

    ReplyDelete
  12. Hello,

    Pano po makakapunta sa mt gulugod? kasi may balak kami ng friends ko mag camping s anilao.. And we're looking for a place n pwede puntahan para mag beach and mapagcampingan n din for an overnight stay..yung ndi n kelangan mag rent p s resort..

    thanks

    ReplyDelete
  13. Hi Kathreen,

    You can go to Sombrero Island or Malapascua to set up your tent for an overnight stay, :D

    ReplyDelete
  14. mga hangal! isang malaking kalokohan lahat ng mga pinagsasabi nyo! isang baluktot na katwiran ng isang mapanirang mamamayan sa isang inaanay na komunidad! mga uod ng lipunan! mapagpanggap na anak ng inang kalikasan. budhi nama'y bahid ng karungisan. sa harap ay maamo, pagtalikod naman ay demonyo. grupo ng mga huwad na katauhan.
    -tagasubaybay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Tagasubaybay,

      Please lang po -- huwag nakayo magpost dito kung hindi pa din kayo nakakamove on. Puro negativity ang sinasabi mo - hindi yan maganda. Sing sama yan ng mga pinaparatang mo.

      Naway magkaroon ka ng buhay ng sarili mo at magpakatapang kang magpakilala para backupan ang sinasabi mo.

      Delete
  15. Thanks and that i have a neat supply: Who To Contact For House Renovation in house renovations

    ReplyDelete